ADMISSION
University Profile

LATEST NEWS & UPDATES

highlights, latest news, events and updates concerning PLMUN, its research, and the creative endeavors of its faculty and students.

IKa-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan


June 12, 2023    PLMun Comm
Maligayang Araw ng Kalayaan!
Ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) at Institute of Public Policy and Governance ay nakikiisa sa pagdiriwang sa ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, na may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”.
Noong ika-12 Hunyo 1898, ay itinaas ni Heneral Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas at kanyang idineklara ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas o Araw ng Kasarinlan sa Kawit, Cavite. Ito ay ipinagdiriwang bilang paggunita sa makasaysayang paglaya ng bansang Pilipinas mula sa kolonyal na pamumuno ng mga Kastila.
Idineklara naman ng mga Amerikano ang Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas noong ika-4 ng Hulyo 1946 na katulad din ng araw ng kalayaan ng Estados Unidos. Subalit sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 28 ng dating Pangulong Diosdado Macapagal, ay itinakda muli ang ika-12 ng Hunyo bilang Araw ng Kalayaan at pista opisyal sa buong Pilipinas.
Inaanyayahan ang bawat Pilipino na ating alalahanin at ipagbunyi ang pagkakaroon ng isang malaya at soberanyang bansa. Patuloy nating pahalagahan at mahalin ang ating bayan!

Share this on