NEWS & EVENTS
University Profile

LATEST NEWS & UPDATES

highlights, latest news, events and updates concerning PLMUN, its research, and the creative endeavors of its faculty and students.

Araw ng Pambansang Watawat ng Pilipinas


January 01, 1970    PLMun Comm
Noong ika-28 ng Mayo taong 1898 ay itinanghal sa kauna-unahang pagkakataon ang Pambansang Watawat ng Pilipinas sa Cavite Puerto (ngayon ay Lungsod ng Cavite). Ito ay bilang tugon sa tagumpay ng mga rebolusyunaryong Pilipino sa labanan sa Imus, Cavite.
Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 374 noong ika-6 ng Marso 1965 ay idineklara ni dating Pangulong Diosdado Macapagal ang ika-28 ng Mayo bilang Araw ng Pambansang Watawat. Pinalawig pa ito noong 1994 hanggang sa ika-12 ng Hunyo Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 179 ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Mula 28 May hanggang 12 June ay hinihikayat ang lahat ng mga Pilipino na itanghal ang Pambansang Watawat sa mga tahanan, paaralan, sasakyan, mga lugar ng trabahuhan at mga tanggapan.
Nakikiisa ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa at Institute of Public Policy and Governance sa paggunita ng Araw ng Pambansang Watawat ng Pilipinas!

Share this on